Nagtapos sa 3-3 draw ang laban sa pagitan ng Cameroon at Serbia sa Group G ng nagpapatuloy na 2022 FIBA World Cup sa Qatar.
Dahil dito ay nananatili pa ring buhay ang tsansa ng Cameroon para sa last 16 ng laro na ginanap sa Al Janoub Stadium.
Hawak ng Serbia ang kalamangan 3-1 ng maipasok nina Strahinja Pavlovic, Sergej Milinkovic-Savic aat Aleksandar Mitrovic ang kanilang goal sa unang bahagi ng second half.
Naitabla na lamang ng Cameroon ang laro sa 3-3 sa pagpasok ng mga substitute na sina Vincent Aboubakar at Eric Maxim Choupo-Moting.
Mayroon ng tig-isang puntos ang Cameroon at Serbia sa Group Stage habang mayroong 3 points ang Brazil at Switzerland.
Makakasama lamang ang Cameroon kapag talunin ng Swiss ang Brazil at sakaling matanggal ay ito ang unang pagkakataon na sila ay mawala sa group stage mula noong 1990.










