-- Advertisements --
Nagtapos sa 1-1 draw ang laban ng Philippine Azkals sa Indonesia para sa FIFA World Cup 2026 at AFC Asian Cup 2027 second round qualifying match sa Rizal Memorial Stadium.
Unang nagtala ng goal ang Azkal sa pamamagitan ni Patrick Reichelt sa loob ng 18 minuto ng first half.
Pinilit pa ng Azkals na ulitin ang goals sa harap ng kanilang 9,880 fans subalit naging mahigpit ang depensa ng Indonesia.
Naitabla lamang ng Indonesia ang laro sa pamamagitan ng goal ni Saddil Ramdani sa 70th minuto ng laro.
Magugunitang nabigo ang Azkals 2-0 sa kamay ng Vietnam nitong nakaraang linggo.