-- Advertisements --

Masayang ibinalita ni US Vice President Mike Pence na patuloy ang magandang resulta na ipinapakita ng mga datos na kanilang nakakalap hinggil sa coronavirus outbreak sa Estados Unidos.

Ayon kay Pence, karamihan umano sa mga major virus hotspots sa estado ay tila nalampasan na ang peak ng infection.

Tulad ng New York Metro Area, New Jerser, Connecticut, Detroit at New Orleans na nakitaan ng malaking pagbaba ng bilang ng mga nagpopositibo sa nakamamatay na virus.

Kung magpapatuloy aniya na magpapakita ng positibong progreso ang mga ginagawang hakbang upang labanan ang COVID-19 ay nalalapit nang mapagtagumpayan ng Amerika ang laban sa tinaguriang ‘invisible enemy.’

Umaabot na rin ng 4.93 million coronavirus tests ang nagagawa sa U.S. kada araw kasama na raw dito ang 100,000 tests na natapos kahapon ng mga commercial labs.