LA UNION – Inaantabayan ang pagiging COVID-free ng La Union matapos ang anunsiyo ng lokal na pamahalaan ng Balaoan kahapon, na gumaling ang 41-anyos na lalaki ng Barangay Botobot Norte, Balaoan, La Union at itinuturing na huling aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Base sa inilabas na statement ng LGU Balaoan, naka-recover na mula sa naturang sakit ang pasyente, base sa dalawang negative results ng test nito.

Gayunman, hindi pa tuluyang na-discharge sa Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) ang nasabing pasyente.

Sa ngayon, wala nang aktibong kaso ng coronavirus sa lalawigan ng La Union.