-- Advertisements --

LA UNION – Matapos ang mahigit 2 linggo, muling nadagdagan ng isang bagong kaso ng COVID 19 sa La Union o 21 na ang naitatalang positibong kaso ng Covid 19 sa buong lalawigan.

Ang panibagong kaso na naitala sa Brgy. Cadapli, Bangar, La Union ay si suspect no. 35, 65-anyos na lolo, mayroong iniindang chronic kidney disease secondary to diabetic nephropathy.

Sumailalim sa swab test noong May 6,2020 at positibong ang resulta nito.

Samantala, dalawa naman ang naitalang gumaling mula sa sakit na COVID 19.

Ang 76-anyos na lola mula Barangay Tanqui ay itinuturing na pangatlong recovered patient sa syudad.

Nasa isolation facility pa rin siya hanggang ngayon at inaasahang lalabas sa mga susunod na araw.

Ang pangalawang recovered patient ay isang 88-anyos na lolo mula Nagrebcan, Luna La Union at nakatakdang lumabas din ngayong araw ng Huwebes.

Nasa 13 na ang kabuuang recoveries sa La Union at nananatiling 4 ang namatay sa naturang coronavirus.