-- Advertisements --

Nagpahayag ng suporta si Kylie Padilla para sa kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica at kay AJ Raval, matapos kumpirmahin na isa na siyang ina.

Sa isang Facebook post noong Miyerkules, Nobyembre 12, sinabi ni Kylie na matagal na niyang alam ang sitwasyon ngunit pinili nilang unahin ang kapakanan ng kanilang mga anak.

“Sobrang close sila at ’yun pinaka importante,” aniya.

Ayon pa sa actress, proud siya na hindi na kailangang itago nina Aljur at AJ ang kanilang pagiging magulang.

“Happy that now ’di na kailangan magtago. Proud of you, peace all around. Sana matapos na drama,” dagdag niya.

Una nang ni-reveal ni AJ sa isang panayam kay Boy Abunda na mayroon na siyang limang anak, tatlo rito ang anak nila ni Aljur. Habang tatlo rito ang sa dating kinakasama na hindi naman binanggit ang pangalan ng ama ng dalawa niya pang anak.

Matatandaan na si Kylie at Aljur ay ikinasal noong 2018 ngunit naghiwalay din noong 2021.

Noong 2023, inamin ni Aljur ang kanyang pagkukulang sa kanilang hiwalayan, habang nilinaw ni Kylie na walang kinalaman si AJ sa kanilang hiwalayan.

Matapos nilang makatrabaho ang isa’t isa sa pelikulang “Nerisa” noong 2021, kinumpirma nina Aljur at AJ ang kanilang relasyon dalawang taon matapos ang mga espekulasyon.