-- Advertisements --
Itinanggi ng sexy actress Aj Raval na ito ay nabuntis ng actor na si Aljur Abrenica.
Sinabi ng actress na walang katotohanan ang kumalat na balita na nagdadalantao ito at ang ama ng kaniyang dinadala ay ang rumured boyfriend na si Abrenica.
Dagdag pa nito na wala ring katotohanan na dahil sa isyu ng pagbubuntis ay nawalan siya ng mga proyekto.
Ang katotohanan aniya ay sa makailang beses ay nagpositibo ito sa COVID-19.
Naka-isolate na ito at patuloy ang kaniyang pagpapagaling.











