-- Advertisements --

Malungkot na ibinahagi ng singer na si Kyla na dumanas siya ng miscarriage.

Sa kaniyang Instagram, ay nagpost ito ng video noong nagbubuntis pa siya.

Ito na aniya ang pang-apat na beses na nakunan ang R&B singer.

Agad naman na nagpaabot ng pakikidalamhati ang ilang mga kasamahan nito sa showbiz matapos na mabalitaan ang pangyayari.

Noong 2018 ay dalawang beses na itong nakunan na naulit noong Hulyo 2021.

Isinilang nito ang panganay na si Toby Elsiah noong Mayo 2015.