-- Advertisements --

Hindi pa pinapabalik ni Kyiv mayor Vitali Klitschko ang kaniyang mga kababayan na lumikas matapos ang paglusob ng Russia.

Sinabi ng alkalde na dapat pag-isipang mabuti ng mga residente ang pagbabalik dahil hindi pa ligtas.

May ilang residente na kasi ng Kyiv ang bumabalik na matapos ang pagiging tahimik na ng lugar.

Dagdag pa ni Klitschko na asahan ang pagganti ng Russia dahil sa ginawang pagpapalubog ng Ukriane sa barko nila.

Pinayuhan nito ang mga residente na maghanap muna ng mga ligtas na lugar.