-- Advertisements --

Bumandera si Kyle Kuzma sa panalo ng Los Angeles Lakers laban sa Sacramento Kings, 115-94.

Gamit ang 10 puntos sa fourth quarter mula sa season-high na 30 points dinala ni Kuzma ang defending champion sa kanilang ika-31-18 na win-loss record.

Bumawi ang Lakers mula sa kanilang masaklap na pagkatalo sa Bucks nitong nakalipas na araw kung saan umabot sa 15 points ang kalamangan.

Kyle Kuzma Lakers

Sa pagkakataong ito kumayod ng husto si Dennis Schroder na nagbuslo ng 17 points at eight assists, habang si Kentavious Caldwell-Pope ay sumuporta sa kanyang 13 points at 10 rebounds at si Markieff Morris ay kumamada ng 14 points at eight rebounds.

Sa ngayon kulang pa rin sa kanilang superstars ang Lakers kung saan nagpapagaling pa sa kanilang injuries sina LeBron James, Anthony Davis at ang bagong nakuha na center na si Andre Drummond.

Ang Lakers reserve guard na si Wesley Matthews ay minalas din sa injury sa first quarter pa lamang ng game.

Sa kampo ng Kings nasayang ang diskarte ni Harrison Barnes na may 26 points, five rebounds at five assists.