Inanunsiyo ngayon ng Los Angeles Lakers na nagkasundo na sila sa isa sa kanilang star player na si Kyle Kuzma para sa extension sa team.

Sinasabing nagkakahalaga ng $40 million sa loob ng tatlong taon ang kontrata kabilang na ang player option bago ang 2023-2024 season.

Kyle Kuzma
Kyle Kuzma/ Photo courtesy of NBA

Agad namang pinuri ng superstar na si Anthony Davis ang pagpayag ni Kuzma, na nagpapakita lamang daw ng kumpiyansa ng koponan sa kanyang abilidad.

Ang deal ni Kuzma ay naihabol bago ang deadline bukas ng NBA sa pagpirma sa mga rookie contract extensions.

Sa Day 1 ng pormal na pagbubukas ng season sa Miyerkules, makakatunggali ng Lakers ang karibal na Clippers.

Kaabang abang din ang Brooklyn Nets dahil nagbabalik na si Kevin Durant upang harapin ang dating team na Golden State Warriors nina Stephen Curry.