-- Advertisements --

Inilagay sa blacklist ang Kuwaiti employer ng pinatay na Pinay overseas worker na si Jullibee Ranara.
Ito ang tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) kasunod ng nangyaring trahedya.
Ayon kay DMW Undersecretary Bernard Olalia, sinuspendi na ang naturang employer at sinampahan na rin ng disciplinary action.
Magugunita na pinatay si Ranara ng 17 anyos na anak ng kaniyang employer. Natagpuan na lamang ang katawan nito na sinunog at inabandona sa disyerto sa Kuwait.










