-- Advertisements --
Nakatakdang magsagawa ng parliamentary election ang Kuwait sa Setyembre 29.
Kasunod ito sa ginawang pag-dissolved ni Crown Prince Sheikh Meshal al-Ahmad al-Sabah ang parliyamento.
Sa inilabas na decree ng crown prince inaatasan nito ang pagkakaroon ng halalan para sa 50-seat assembly.
Nakasaad din sa nasabing kautusan ang pagkakaroon ng bagong distrito.
Magugunitang nitong buwan lamang ay inalis ni Sheikh Meshal ang parliyemento dahil sa pagkakaroon ng mga domestic politics at ito ay naiipit sa mga hindi pagkakaunawaan at personal interest.