-- Advertisements --
image 33

Binigyang diin ng Department of Migrant Workers (DMW) na mayroong mga kumpanyang Amerikano na handang makita ang mga profile ng mga Filipino skilled workers na lumikas sa Sudan.

Ayon kay Department of Migrant WorkersSecretary Susan “Toots” Ople, kasama sa mga kumpanyang ito ang Princess Cruises, Holland American Line/Seaborne na lahat ay nasa ilalim ng Carnival Corporation; MedPro International; at ang Magsaysay People Resources/Magsaysay Maritime Corporation.

Aniya, willing umano silang tingnan ang profiles ng mga galing sa Sudan kaya naman inihahanda ng ng departamento ang kanilang profile documents.

Sinabi ni Ople na nakikipag-ugnayan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa DMW upang suriin ang sitwasyon ng mga apektadong overseas Filipino workers.

Dagdag dito, bukod sa Estados Unidos, ang Saudi Arabia ay may interes din sa pagtingin sa mga profile ng nasabing mga manggagawa.

Una nang nangako ang DMW na bibigyan ng livelihood assistance ang mga OFW na ito para magkaroon sila ng bagong simula sa kanilang pamumuhay.