-- Advertisements --

Nagbabala ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa kumakalat na social media posts na namimigay umano sila ng cash aid sa mga nagpa-rehistro sa Philippine Identification System.

Base sa kumakalat na post, makatatanggap umano ng 5,000 pesos ang mga nagpa-register na sa PhilSys at sa mga mayroon ng National ID.

NGunit mariin itong pinabulaanan ng PSA at sinabing walang katotohanan.

Binigyang-linaw din ng ahensiya na kahit maaaring gamitin ang National ID sa iba’t ibang transaksiyon kabilang na ang pagtanggap ng benepisyo at ayuda mula sa gobyerno, ito ay hindi awtomatikong ibinibigay dahil may mga rules and regulations ang mga ahensiyang magbibigay ng anumang klaseng assistance.

Kaugnay nito, sinabi rin ng aktor na si Matteo Guidicelli na walang katotohanan ang kumakalat na video na kabilang sila ng kaniyang asawang si Sarah Geronimo sa namimigay ng pera para sa mga nagpa-rehistro sa PhilSys o sa mga mayroon ng national ID.

Ito raw ay isang scam at kinakailangang mag-ingat ng publiko.

Dahil dito, pinaalalahanan ng PSA ang publiko na huwag basta-basta magbigay ng personal na impormasyon kapalit ng pera.