Reading Time: 1 minute

Nagpapagaling na ang TV host/actress na si Kris Aquino matapos maaksidente sa nakagawian nitong morning shower.

Ayon sa dating presidential sister, na-out of balance siya pagkatapos mag-shower hanggang sa tuluyang nadulas sa breakfast tray na nasa tabi ng kanyang kama.

Nag-post din ito ng larawan ng mga natamong galos at namamagang kanang braso nito.

Idagdag pa rito ang aniya’y pagsakit ng kanyang ribs, leeg at mayroong bukol sa kanyang ulo.

“We already changed my bed to a lower one but after my morning shower I took a shortcut, stepped onto the bed, lost my footing, and fell straight into the wooden breakfast tray,” kuwento nito.

Kasabay nito ay nagbabala ang tinaguriang “Queen of All Media na hindi ligtas ang pagkakaroon ng soundproof home kung saan sumisigaw daw ito sa paghingi ng tulong, ngunit walang nakarinig sa kanya.

“Bimb was in his study room across & I was afraid to move in case I dislocated anything; I kept shouting for HELP but nobody could hear me… after a couple of minutes I saw my phone was within reach & I called Bincai, she came in, saw me in a crumpled heap then 3 of them helped put me in a seated position to check if I had hurt anything badly,” sambit pa nito.