Walang balak si Kris Bernal na ibahin ang kanyang eating style sa kabila ng mga hindi pa rin nawawalang mga body shamers o yaong mapanlait sa katawan ng ibang tao.
Pahayag ito ng 31-year-old actress matapos na muling inulan ng pagkwestyon nitong weekend, hinggil sa sa resulta ng araw-araw nitong pagwo-workout.
Ayon kay Kris o Kristine Ann sa tunay na buhay, hindi siya “skin and bones,” bagkus ay “skin and muscles” na kanyang ipinagmamalaki.
Buwelta ni Bernal, ang kanyang ina lamang ang may karapatang magdikta sa kung ano ang mga dapat niyang kainin sabay tiyak na siya ay “perfectly healthy” na tanging mga fitness enthusiast ang makaka-relate.
Paliwanag pa nito, sinabihan siya ng kanyang doktor na magdagdag ng maraming calories sa mga kinakain dahil napakaaktibo ng kanyang metabolism ni Kris.
Base sa mayoclinic.org., tumutukoy ang metabolism sa proseso kung saan kino-convert ng katawan sa energy ang lahat ng kinakain at iniinom ng tao.
Nagsasama ang oxygen at ang calories na nasa pagkain at inumin upang makapag-release ang katawan ng energy.
Una na siyang inilarawan bilang “anorexic,” “parang maysakit,” “kulang sa sustansiya,” at “losyang” dahil sa sobrang payat na pangangatawan.