-- Advertisements --
Isiniwalat ng actress at host na si Kris Aquino ang kanyang nalalapit na pag-alis sa bansa sa mga susunod na araw para sa kanyang pagpapagaling mula sa kanyang sakit
Sa isang statement ay sinabi ng Queen of All Media na mahigit isang taon siyang hindi makikita ng kanyang mga fans para sumailalim sa ilang mga medical treatments.
Samantala, nagpahayag din siya ng pasasalamat sa mga kaibigan sa showbiz na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid dahil sa consistent daw na pangangamusta sa kanya.
Magugunita na bukod sa kanyang autoimmune disease ay na-diagnose din si Kris ng erosive gastrities at gastric ulcer.










