-- Advertisements --

Inalok ni Kris Aquino ng tulong ang talent manager na si Lolit Solis para sa kaniyang pang-dialysis.

Ito ay kahit na nakikipaglaban ang tv host-actress sa autoimmune disease.

Sinabi ni Solis na lumapit sa kaniya ang personal shopper ng actress at tinanong ang kondisyon nito.

Kuwento pa ni Solis na tinanong agad sa akin ang mga kailangan at kaniya umanong ibibigay.

Kahit aniya na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan noon ay nananatili pa rin ang kanilang pagkakaibigan.

Magugunitang sinabi ni Kris na sasailalim na siya sa chemotherapy para sa kaniyang kondisyon habang nasa ibang bansa.