Ibinahagi ng TV-host actress Kris Aquino ang pinakahuling lagay ng kaniyang kalusugan.
Sinabi nito na ang kaniyang blood panel ay ay nagpakita ng abnormalidad noong mga nagdaang araw na kailangan ng agarang atensiyon medical.
Dagdag pa nito na ang kaniyang hemoglobin ay labis na bumaba, habang laging mababa ang kaniyang sodium at ang maging ang kaniyang potassium ay bumaba rin.
Dahil dito ay sasailalim siya sa iron infusion na isang proseso na maglalagay ng iron sa katawan sa pamamagitan ng injection sa susunod na linggo.
Mayroon na aniyang damyos ang kaniyang baga habang ang puso nito ay nagpakita rin ng senyales ng pagkapagod para magbomba ng dugo.
Magugunitang dinapuan na ito ng ilang autoimmune disease.
Humingi ito sa mga fans niya ng pagdarasal para sa agarang paggaling at malampasan ang pinagdaraanan.