-- Advertisements --

Nagpositibo sa sakit na COVID-19 si Shin Dong-hee o mas kilala sa kanyang stage name na Shindong na isang miyembro ng isang sikat na Kpop boy group na Super Junior.

shindong
Shindong

Sa isang statement ngayong araw kinumpirma ng Label SJ, talent agency ng Super Junior na nagpositibo sa COVID-19 ang Korean rapper.

Anila, sumailalim sa PCR testing si Shindong matapos na magkaroon ng close contact sa isang tao na kalaunan ay nadiagnosed din ng nasabing nakamamatay na sakit.

Samantala, hindi na kinakailangan pa na isasailalim sa testing ang iba pang mga bandmates ng nito dahil hindi naman sila nagkaroon ng close contact kay Shindong.

Bukod kay Shindong, nagpositibo rin sa COVID-19 ang ibang mga Kpop group members kabilang na sina SF9’s Dawon at Hwiyoung.