-- Advertisements --

Naibenta sa halagang P191 milyon sa isang auction ang replica ng Aston Martin DB5 na kotse na ginamit sa pelikulang James Bond “No Time to Die”.

Ayon sa Christies Auction sa London na ang pinagbentahan ng nasabing ay ibibigay sa charity.

Ang auction ay kasabay ng 60 taon ng 007 na magtatapos ng hanggang Oktubre 5.

Makikita sa nasabing replica ang imitation na machine gun na nakalagay sa headlight.

Ilang gamit na ibinebenta sa auction ay ang mga costumes at accessories na may kinalaman sa nasabing franchise.