Pinabulaan ng isang constitutional law expert na hindi umano maaring panghimasukan ng hudikatura, partikular ng kataastaasang hukuman ang isinasagawang pagproseso ng ‘impeachment’ kontra kay Vice President Sara Duterte.
Mariing inihayag ni Atty. Jennifer Reyes, eksperto pagdating sa saligang batas ang kanyang paglilinaw na ang Korte Suprema ay may karapatan upang magsagawa ito ng sariling hakbang ukol sa proceedings ng impeachment.
Aniya’y ang ganitong uri ng pagdinig o paglilitis sa isang opisyal ng gobyerno, bagama’t at kahit pa sariling inisytabo o ‘sui generis’ ng senado, hindi pa rin raw ito ‘exempted’ sa judicial review ng naturang sangay ng pamahalaan.
Ang kanyang pahayag na ito ay iniugnay sa naganap na pagproseso ng impeachment proceedings kung saan nabanggit ang ukol sa isang maaring pagbasehan na kaso sa Estados Unidos.
Kaya naman dahil dito, mariin pang sinabi ng naturang abogado na kung sakaling makitaan ng iregularidad o paglabag sa saligang batas ang pagsasagawa ng impeachment, ang Korte Suprema ay maaring umaksyon hinggil rito.
Aniya’y posibleng i-atas ng kataastaasang hukuman na ito’y maipawalang bisa at maipabasura na lamang sa oras na mapatunayan at mapag-alaman na hindi naayon sa probisyon ng batas ang pagpapatuloy ng impeachment proceedings.
Kaya’t kanyang binigyang diin na hindi akma at maling sabihin na ang hudikatura ay walang karapatan hinggil sa proseso nito sa kadahilanan na ikinukunsidera ito bilang isang political process lamang.
Samantala, maalala na nitong nakaraan lamang ay mayroong grupo ng mga abogado, sa pangunguna ni Atty. Israelito Torreon na naghain ng petisyon sa Korte Suprema.
Kung saan kanilang isinumite ang petisyong naglalayon na maipawalang at maibasura na lamang ang ‘impeachment trial’ laban kay Vice President Sara Duterte.
Naniniwala kasi ang kanilang panig na ‘invalid’ ang impeachment complaint at wala na umanong sapat na oras para maipagpatuloy ang impeachment proceedings sa pagtatapos ng 19th congress.
Ngunit sa kasalukuyan ay tahimik pa rin ang Korte Suprema at hindi pa rin naglalabas ng anumang desisyon o resolusyon hinggil rito.