-- Advertisements --

LAOAG CITY – Dapat ng mamagitan ang Korte Suprema sa nangyayaring power struggles sa Senado.

Iginiit ng isang Sang Panlungsod member sa Laoag City na si Atty. Jason Perera na panahon na para makialam ang kataas-taasang hukuman sa bansa para malaman kung sino sa mga senador ang tama ang ginagawa hinggil sa pag-aagawan ng kapangyarihan.

Sinabi pa ni Perera na dapat ding malaman kung ano ang proper procedure kapag ang isa sa mga miembro ng senado na si Senador Jinggoy Estrada ay nakakulong habang si Senador Ronald Bato dela Rosa ay nagtatago matapos inilabas ang arrest warrant mula sa International Criminal Court laban sa kanya, para malaman kung ang dapat na quorum ay 12 o 13.

Pahayag ito ni Atty. Perera matapos nagkaroon na naman ng bagong liderato sa senado kung saan napili si Senador Sherwin Gatchalian na mamuno kung saan kwinestyon naman ng mga miyembro ng senate majority bloc dahil wala umanong quorum.

Dagdag niya na sa loob ng halos 15 taon na pagiging legal officer at city councilor, base sa mga nababasa niyang iba’t-ibang kaso na dinesisyonan ng Korte Suprema ay bababa lamang ang bilang ng quorum kapag ang isang senador ay nasa abroad, pero sa kaso ngayon ay wala namang pumnta sa ibang bansa sa mga kasapi ng senado.