Ibinasura ng Korte Suprema ng South Korea ang kasong isinampa ng American composer na si Jonathan Wright (kilala bilang Johnny Only), na nagsasabing kinopya ng viral hit na “Baby Shark” ang kanyang bersyon ng kanta noong 2011.
Ayon sa korte, walang sapat na ebidensyang nagpapatunay ng paglabag sa copyright.
Inilahad ng kumpanya ng nagmamay-ari ng “Baby Shark” na ang kanta ay batay sa tradisyonal na children’s chant na nasa public domain na, kaya hindi ito sakop ng copyright protection.
Si Wright ay humiling ng ₩30 million (humigit-kumulang $21,700) bilang danyos, iginiit na ginaya ang kanyang bassline at rhythm. Ngunit kinatigan ng korte ang panig ng kumpanya, na anila ay nagbigay ng bagong anyo sa kanta sa pamamagitan ng upbeat na himig at catchy lyrics.
Sa ngayon ang “Baby Shark Dance” ay kasalukuyang may higit sa 16 bilyong views sa YouTube platform.