-- Advertisements --

Nakapagtala ng mas mataas na bilang ng case disposition rate sa lower courts ang Korte Suprema noong taong 2023.

Ito ay matapos na umabot sa 61% ang itinaas ng disposition rate ng mga kaso sa first at second level courts sa buong bansa ang naitala noong nakaraang taon batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Office of the Court Administration.

Sa naturang datos, lumalabas na tumaas sa 61% nitong 2023 ang nakuhang case disposition rate ng first level courts mula sa dating 60% na naitala noong taong 2022.

Habang tumaas naman sa 42% nitong 2023 ang naitalang disposition rate ng mga second level court sa bansa mula sa dating 39% na rate na una nang naitala noong taong 2022.

Samantala, sa kaniyang naging mensahe sa 19th National convention and Election of Officers of the Philippine Association of Court Employees ay ipinahayag ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang kaniyang pasasalamat sa naging kontribusyon ng mga mababang korte bansa.

Ang kanilang magandang trabaho aniya ay sumasalamin lamang sa uri ng hustisyang kanilang ipinapatupad at ang kalidad ng serbisyong kanilang ibinigay para sa taumbayan.