-- Advertisements --

Tinanggihan ng judge sa Virginia ang hirit ng actress na si Amber Heard na magkaroon muli ng bagong pagdinig sa defamation case na isinampa niya sa dating asawa na si Johnny Depp.

Humirit kasi ang mga abogado ng actress kay Judge Penney Azacarte na balewalahin ang unang desisyon at magsagawa muli sila ng bagong pagdinig.

Magugunitang kinasuhan ni Depp ang dating asawa dahil umano sa paglabas ng mga maling impormasyon sa kanilang pagsasama kung saan ito ay kaniyang inaabuso.

Noong nakaraang mga buwan ay naglabas ng desisyon ang korte na pumabor sa actor at pinagbabayad ang actress ng $10 milyon.