-- Advertisements --
Sinentensiyahan ng hanggang sa labing-apat na araw na pagkakakulong ang mahigit 150 katao na dumalo sa isang programa para alalahanin ang buhay ng kritiko ni Russian President Vladimir Putin na si Alexei Navalny.
Ayon sa ruling ng korte, nilabag daw ng mga dumalo ang anti-protest law ng Russia.
Ayon sa mga rights group, ang bilang na ito ay sa Saint Petersburg lamang at hindi pa kasama ang mga ikinulong sa iba pang mga siyudad sa bansang Russia. Kabilang din umano sa mga inaresto ang mga taong nag-alay lamang ng mga bulaklak at nagsindi ng kandila.
Matatandaan na naiulat ang pagkamatay ni Navalny habang nasa kulungan sa Arctic prison colony.