-- Advertisements --
Pinanindigan ng high administrative court ng France ang pagbabawal sa paggamit ng full-body “burkini” swimsuits sa mga pampublikiong swimming pools.
Ito ay matapos na pinayagan ng mga opisyal ng Grenoble, France ang paggamit ng nasabing burkini swimsuits.
Ayon sa korte na hindi maaring sumuway ang mga mamamayan ng Grenoble dahil ang nasabing kautusan ay epektibo sa buong bansang France.
Nauna ng iginiit ng Grenoble na kaya nila pinayagan ang paggamit ng mga burkini swimsuit ay para ipakta ang principle of neutrality sa public services.
Ginagamit ang burkini sa maraming babaeng Muslim para mapreserba kanilang pagiging mahinhin at paniniwala.