Ipina-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Korean national matapos umanong magtangka na magpa-takbo ng illegal gambling website rito sa Pilipinas.
Kinilala ng BI ang dineport na dayuhan na si Jung Hyeong Wook, 35-anyos.
Batay sa ulat, personal na sumuko sa Korean Embassy sa Maynila si Jung matapos kanselahin ang kanyang passport.
Ayon sa BI, may hinaharap na kasong paglabag sa National Sports Promotion Act ng South Korea si Jung.
May inilabas din daw na red notice ang Interpol laban dito noong Hulyo.
Mula October 2015 hanggang March 2016, pinatakbo in-operate umano ni Jung ang isang illegal gambling website.
Bukod sa deportation, inirekomenda rin ng BI na ipa-blacklist ang naturang Korean national nang hindi na muling makapasok ng bansa.
“I’ve recommended to Commissioner (Jaime) Morente that he (Jung) be placed in our blacklist to prevent him from re-entering the country, ani Ports Operation chief Grifton Medina sa isang statement.