Kasalukuyang nakakulong na sa Pampanga police ang naarestong Korean national sa Clark International Airport, Clark Air Base sa Pampanga.

Ayon kay Police Regional Office-3 director C/Supt. Amador Corpuz, bandang alas-12:15 kaninang madaling araw nang arestuhin ng mga operatiba ng Clark Airport Police Station ang Koreanong si Hoseop Yoon.

Paalis sana ng bansa si Yoon patungong Incheon, South Korea, nang mahulihan ng cal. 22 pistol na may limang rounds ng ammunition at dalawang sachet ng hinihinalaang shabu.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 10591 at RA 9165 ang nasabing banyaga.