Nag-turn-over ng 400 metric tons o 10,000 bags ng milled rice ang Republic of Korea – Ministry of Agriculture, Food & Rural Affairs upang matulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa pinagsamang epekto ng low pressure area, northeast monsoon at shearline, sa mga rehiyon sa bansa.
Ang donasyon ay iniharap sa ilalim ng Association of South East Asian Nation o ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve Tier 3.
Ito ay pinangunahan ni Ambassador of the Rep. of Korea in the Philippines Hon. Kim Inchul at ni Choomjet Karnjanakesorn na General Manager ng Plus Three Emergency Rice Reserve.
Ang nasabing tulong ay ang huling batch na ng mga interbensyon mula sa Republic of Korea.
Ang unang dalawang donasyon ay ipinamahagi noong taong 2020 para sa mga pamilyang naapektuhan ng mga bagyo sa Luzon at Mindanao.
Una na rito, tinanggap ni Department of Agriculture Senior Undersecretary Domingo F. Panganiban ang donasyon kasama ang mga benepisyaryo nito na ginanap sa El Salvador City, Misamis Oriental.