Pinuri ni PNP chief Lt Gen. Archie Gamboa ang publiko dahil sa suporta at kooperasyon na kanilang ibinahagi para maging maayos at matagumpay ang opening ceremony ng 30th SEA Games sa Philippine Arena kagabi.
Pinapurihan naman ni Gamboa ang Security Task Force na nanguna sa pagbibigay seguridad sa pangunguna ni BGen. Lyndon Lawas na siyang commander ng 30th SEA Games na walang naitalang mga untoward incidents.
Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac, full force na ang ipinatutupad na tight security measures ng PNP sa pakikipag tulungan ng PHISGOC.
Umapela naman ang PNP sa publiko na panatilihin ang kooperasyon at filipino ice skaterdisiplina.
Siniguro naman ng PNP na kahit naka pokus sila sa seguridad sa SEA Games, nananatiling naka alerto at mapagmatyag ang PNP para maiwasan ang anumang mangyaring krimen.
Sa ngayon nasa full alert status na ang apat na rehiyon kung saan may mga events sa SEA Games.
Ito ay ang Metro Manila, Police Regional Office 3, Region 1 at Region 4-A Calabarzon.
Nasa mahigit 27,000 police personnel ang ipinakalat ng PNP para maging maayos at mapayapa ang 30th SEA Games.