Muling umapela si DILG Secretary Benhur Abalos Jr. sa publiko na makiisa sa kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga.
Ginawa ng kalihim ang apela ilang araw bago ang pagdiriwang ng International Day against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) o World Drug Day sa Lunes, Hunyo 26
Paliwanag ni Abalos Jr na ang pagdiriwang ng IDADAIT 2023 ay naglalayong palakasin ang kooperasyon ng publiko at mga law enforcement agencies para malabanan ang pagkalat ng ilegal na droga sa ibat ibang bansa.
Pagdidiin ni Abalos Jr na ang layuning ito ng International Day against Drug Abuse and Illicit Trafficking ay kahalintulad din ng BIDA Program ng DILG, kung saan pukos nito ang whole of the nation approach o pagtutulungan ng ibat ibang stakeholders.
Kasabay nito ay umapela ang kalihim sa mga Local Government Units na magtulungan, kasama ang kani-kanilang mga local anti-drug abuse council na silang nagsisilbing fucosed group para labanan ang pagkalat ng ilegal na droga.
Samantala, bilang pagdiriwang sa International Day against Drug Abuse and Illicit Trafficking, magsasagawa ang DILG ng mga serye ng forum mula Hunyo 26 hanggang Hunyo 29 ,2023.
Dito ay magiging pangunahing pokus ang nagpapatuloy kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga sa buong bansa.