Naniniwala pa rin ang Malacañang na kontrolado ng Department of Agriculture (DA) ang sitwasyon kaugnay sa pagtugon nito sa isyu ng African swine fever (ASF).
Ginawa ng Malacañang ang pahayag sa kabila ng mistulang pagdami pa ng mga lugar na mayroon naitatalang pagkamatay ng mga baboy.
Sinabi Presidential Spokesman Salvador Panelo, ginagawa ng DA ang lahat ng paraan para ma-contain ang ang mga lugar kung saan naitala ang ASF gaya na lamang sa Rizal at Bulacan.
Ayon kay Sec. Panelo, “isolated” lamang ang kaso ng ASF sa ilang lugar at alam ni Agriculture Sec. William Dar ang gagawin para maresolba ang naturang problema.
Kumpiyansa rin ang opisyal na walang dapat ikabahala ang publiko sa pagbili ng karneng baboy dahil sang-ayon sa DA, ligtas pa rin itong kainin.