-- Advertisements --
13109706 041023 cnn ap dalai lama child blurred img
Tibetan spiritual leader the Dalai Lama touches foreheads with a young boy before addressing a group of students at the Tsuglakhang temple in Dharamshala, India, Tuesday, Feb. 28, 2023. (AP Photo/Ashwini Bhatia)

Idinipensa ng lider ng Tibet ang naging action ng Dalai Lama na una nang kumalat sa ibat-ibang mga social media platform sa buong mundo.

Ayon kay Penpa Tsering, ang nagsisilbing Head ng Tibet Government-in-exile, ang mga naging aksyon ng Dalai Lama ay inosente at posibleng iba lamang ang naging intindi rito ng publiko.

Naging viral kasi ang religious leader matapos kumalat sa ibat ibang mga social media platform sa buong mundo ang kaniyang video na ipinapasipsip sa isang batang lalake ang kanyang dila.

Ani Tsering, matagal nang nabubuhay ang Dalai Lama sa ilalim ng kabanalan bilang isang Buddhist monk.

Maliban dito ay nasa ilalim din siya ng Oath of Celibacy. Ibig sabihin, hinding hindi ito papasok sa buhay na nauugnay sa sexualidad.

Nauna na ring humingi ng paumanhin ang nasabing religeous leader matapos na umani ito ng pagbatikos mula sa ibat ibang mga sector, kasama na ang kanyang mga supporters.