-- Advertisements --
Pumanaw na ang dating NFL star at broadcaster n si O.J. Simpson sa edad 76.
Inanunsiyo ng kaniyang kaanak kung saan dahil sa cancer ang pagkamatay nito.
Lumala ang kaniyang prostate cancer kung saan ito ay nasa pangangalaga na ng hospice care.
Taong 2023 ng ibunyag niya na may cancer siya na mabilis na kumalat mula noon.
Naging matunog ang kaniyang pangalan noong mabasura ang kasong pagpatay niya sa dating asawa na si Nicole Brown Simpson at kaibigan nitong Ron Goldman noong Hunyo 12, 1994.
Taong 2007 ng inakusahan siya ng pagpasok sa isang hotel sa Las Vegas para bawiin umano ang mga sports memorabilia na ninakaw umano sa kaniya.
Naaresto siya hanggang mapalaya ito dahil sa parole noong 2017.