-- Advertisements --
Tinututukan ngayon ng Konsulada ng Pilipinas sa Toronto, Canada ang insidente ng pagpatay sa mag-inang Pilipino.
Ayon kay Consul-General Orontes Castro na kinilala ang mga biktima na sina Elvie Sig-od, 44-anyos at anak nitong 20-anyos na si Angelica.
Base sa imbestigasyon na pinatay ng live-in partner ni Elvie ang mag-ina sa kanilang tinutuluyan sa pagitan ng Bathurst Street at Ellerslie Avenue sa Ontario.
Hawak na ng mga kapulisan ang suspek at ito ay sinampahan na ng kaukulang kaso.
Pagtitiyak ng konsulada na kanilang tututukan ang kaso para maibigay ang hustisya sa pinatay na mag-ina.