-- Advertisements --
kaliwa dam

Iniulat ng Metropolitan Waterworks and Sewarage System na 22 porsiyento nang nakukumpleto ang konstruksyon ng Centennial Kaliwa Dam Project sa bahagi ng Southern Tagalog ng Pilipinas.

Sinabi ni Metropolitan Waterworks and Sewarage System Administrator Leonor Cleofas, sa ngayon ay aabot na sa mahigit 300 metro ang nahuhukay na tunnel para dito.

Ngunit sinabi niyang ito ay ang kritikal na bahagi ng pagsasagawa ng Kaliwa dam dahil sa aabot sa 22 kilometro ang nasasakupan nito.

Samantala, sa kabila nito ay nananatili namang on-track ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System sa target nitong makumpleto ang Kaliwa Dam at maging operational ito sa unang bahagi ng taong 2027.

Layunin nitong matugunan ang tumataas na demand ng suplay tubig sa 20 milyong customer sa buong National Capital Region at gayundin sa mga karatig lalawigan nito.