-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Ipinagpapatuloy na ang implementasyon ng ilan sa mga proyekto sa imprastruktura sa lalawigan ng Kalinga.

Ayon kay District Engineer Eugene Batalao mula sa Kalinga Upper District Engineering District Office, naipagpapatuloy ang mga pangunahing proyekto partikular ang paggawa at pag-aayos ng mga kalsada at tulay.

Sinabi niyang mayroong 43 na proyekto ang kanilang opisina ngayong taon na may pondong P2 billion.

Maliban dyan, ipinagpapatuloy na rin ang mga proyektong sakop ng Lower Kalinga District Engineering Office (LKDEO).

Ayon kay Chief of Construction Section Engr. Liberato Agrimor Jr., ipinagpapatuloy ang 40 na proyekto ng kanilang opisina.

Inihayag niyang mayroong 80 na proyekto ang kanilang opisina ngayong taon na may pondong P1.1 billion.

Tiniyak ng dalawang engineers na ipapatupad ang mga protocls para maging ligtas ang mga trabahador laban sa mga sakit.

Temporaryong ipinatigil ang mga proyekto sa imprastruktura dahil sa banta ng COVID-19 crisis.