-- Advertisements --

LAPU-LAPU CITY -Nagpositibo sa coronavirus disease(COVID-19) ang konsehal at anak ni Lapu-lapu City Mayor Junard Ahong Chan.

Kinumpirma ito ng alkalde matapos boluntaryong sumailalim sa swab test ang kanyang anak na si Brgy. Pajo Councilor Jasmine Chan noong nakaraang Huwebes, Nobyembre 12.

Inihayag pa ni Chan na wala namang ipinakitang sintomas ang anak nito.

Agad naman isinagawa ang contact tracing matapos lumabas ang resulta ng swab test noong Sabado, November 14 kung saan 19 na malapit na pamilya at mga kaibigan nitong nakasalamuha ay negatibo naman sa nasabing virus.

Matatandaang ang alkalde mismo ay nagpositibo din sa COVID noong buwan ng Hunyo.

Samantala, base pa sa pinakahuling data na inilabas ng Department of Health kahapon, 91 ang natitirang aktibong kaso ng COVID sa lungsod ng Lapu-lapu.