Hinimok ngayon ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez ang House of Representatives na imbestigahan ang umano’y pag-malfunction ng ilang vote-counting machines (VCMs) sa bansa.
Ani Rodriguez ang depektibong VCM at secure digital (SD) o memory cards na nagresulta sa disenfranchisement ng libo-libong botante.
Kasunod nito, hiniling din ni Rodriguez sa poll body na -ireport sa publiko kung ilang VCM ang pumalya, ang mga polling areas kung saan idineploy ang mga depektibong equipment, at ang bilang ng mga apektadong botante.
Bagamat maayos naman daw ang pagpapatupad ng halalan, sinabi ni Rodriguez na hindi raw niya naiintindihan kung bakit maraming VCM at SC cards ang pumalya dahil ang mga devices ay sumalang naman sa testing bago ang halalan.
Inihalimbawa pa nito ang mga reklamo sa ilang lugar sa Quezon City dahil ilang VCM daw ang hindi gumana sa unang mga oras ng botohan.
Kasunod nito ay napalitan naman ang mga makina pero anim na oras pa ang nakaraan.
Dumating daw ito matapos ang pananghalian at ilan pa rin sa mga memory cards ay “corrupted”.
Kailangan din umanong kunin pa ang mga SC cards sa warehouse ng Comelec sa Sta Rosa, Laguna.