Binigyang diin ni Defense Senior Undersecretary Ireneo Espino ang umano’y hindi na maayos na kalagayan ng BRP Sierra Madre na unang isinadsad sa Ayungin Shoal sa West Phil Sea.
Ayon kay Usec Espino, mabilis ang pagbaba ng kalidad o pag-deteriorate ng naturang barko, na siyang dahilan ng pagbaba rin ng kalidad ng mga pasilidad na ginagamit ng mga sundalo na nagbabantay dito.
Mas mabilis pa aniya ang deterioration ng naturang barko, kaysa sa pagsusuply na ginagawa ng pamahalaan sa mga tropa ng pamahalaan na naroon.
Ayon sa opisyal, ito rin ang rason kung bakit tuloy tuloy ang ginagawang rotation and re-provisioning missions sa mga sundalong nakabase roon, sa kabila ng banta mula sa Chinese militia at CHinese Coast Guard na laging namamamtaan sa WPS.
Pagdidiin ni Espino, kailangan na ng rehabilitasyon sa naturang barko sa lalong madaling panahon.
Hindi lamang aniya upang matiyak na maayos ang matitirhan o magsisilbing opisina ng mga sundalong naroon, kungdi, dahil na rin sa posibilidad na tuluyan nitong pagkasira.
Maalala na maging ang mga LGU sa Palawan ay kanya-kanya ding paraan ng paglalaan ng tulong pinansyal, upang makatulong sa panukalang pagsasagawa ng rehabilitasyon sa naturang barko.