-- Advertisements --

Itinuturing na “good news” ng working sector ang pagdedeklara ng Employees Compensation Commission (ECC) sa COVID-19 bilang compensable disease.

Ayon kay ALU-TUCP spokesman Alan Tanjusay, nasa 16 million workers ang matutulungan ng hakbang na ito ng gobyerno.

Kaya naman, nais ng mga manggagawa na matiyak na makakarating sa kanila ang tig-P30,000 na pangako ng gobyerno.

Mahalaga ring magkaroon ng malinaw na panuntunan upang mapabilis ang pagkakaloob ng kompensasyon sa mga nasa working sector na tinamaan ng deadly virus.