Isinusulong ng House transportation committee na mabuksan na ang lahat ng ruta sa Metro Manila upang sa gayon ay makabiyahe na ulit ang mga jeepney drivers na hindi nakapaghanap-buhay sa kasagsagan ng striktong quarantine.
Ito ay matapos na tinukoy ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro na karamihan sa mga jeepney drivers sa Metro Manila ay wala pa ring trabaho makalipas ang limang buwan magmula nang sinuspinde ang public transportation noong Marso.
Nabatid na sa ngayon tanging 66 lamang ang ruta sa Metro Manila na bukas, ayon kay according to Land Transportation Franchising and Regulatory Board chief Martin Delgra.
Aabot namans a 35 ang rutang bukas para sa mga modernized jeepneys.
Sa kabuuan, 600 jeepneys ang nakakabiyahe sa kasalukuyan.










