-- Advertisements --
Ibinunyag ng komedyanteng si Chris Rock na ito ay nagpositibo sa COVID-19.
Sa kaniyang social media ay sinabi niya na siya ay nadapuan ng virus.
Hindi na nito idinetalye ang kaniyang kalagayan.
Dahil dito ay hinikayat niya ang kaniyang mga fans na magpaturok na ng bakuna.
Noong nakaraang mga buwan ay nagpaturok na ito ng Johnson and Johnson.
Nagbiro pa siya na ginamit niya ang kaniyang pagka-artista para hindi na pumila ng mahaba.