-- Advertisements --

one

Ipinagmamalaki ngayon ng pamahalaang lokal ng Taguig na tumaas ang kanilang collection sa business taxes na umabot ngayon sa P4.38 billion mula sa kanilang Business One Stop Shop (BOSS) para sa taong 2023.

Batay sa report ng pamahalaang lokal umabot sa P1.17 billion ang increase.

Sa direktiba at utos ni Mayor Lani Cayetano, ang siyudad ay nagpatupad ng mga bagong sistems na pumapayag sa mga business owners na mag apply ng permits at bayaran ang kanilang taxes ng mabilis, accurately, at hassle-free.

Pinagsama kasi ng Business Permits and Licensing Office at ng City Treasurer’s Office ang pagbabayad ng mga bayarin sa Barangay. Hindi na kailangan ng mga may-ari ng negosyo na kumuha ng clearance mula sa mga barangay nang hiwalay.

Ayon kay Business Permits and Licensing Office Head Atty. Tes Veloso sa ang mga bagong protocol para sa paghawak ng mga aplikasyon ng mga nagbabayad ng buwis ay ipinatupad sa mas kaunting mga kinakailangan at mas mabilis at mas maginhawang pagproseso ng mga permit.

Sa ilalim ng BOSS 2023, ang mga may-ari ng negosyo ay maaaring magproseso ng mga business permit sa dalawang maginhawang lugar —SM Aura Satellite Office at ang bagong bukas na Convention Center sa New City Hall Building.

Kapag naaprubahan ang mga aplikasyon, maaaring ipadala ng mga may-ari ng negosyo ang kanilang permit sa pamamagitan ng courier o i-print ito mismo. Ang bagong sistema ay nagpapahintulot din sa mga aplikante na tingnan ang kanilang mga billing statement online.

Pinasalamatan naman ni Mayor Lani Cayetano ang mga may-ari ng negosyo sa pagnenegosyo sa Taguig at pagbabayad ng kanilang mga buwis, idiniin na ang mga buwis na ito ay babalik sa anyo ng mga serbisyo at benepisyo para sa mga Taguigeño.

Ayon kay City Treasurer Atty. Voltaire Enriquez, kapansin-pansin ang pagpapabuti hindi lamang sa koleksyon ng mga buwis, maging sa pangkalahatang operasyon ng BOSS.

“Payment and releasing were fast; taxpayers did not line up until midnight to settle their taxes or wait for their business permits; there was no rush to beat the deadline; and there were no irate customers protesting,” pahayag ni Enriquez.