Natuldukan na rin ng New York Knicks ang kanilang walong sunod na talo sa Staples Center makaraang ma-upset nila ang top team na Los Angeles Clippers, 106-100.
Sumandal ang Knicks sa kanilang panalo sa pamamagitan nang pagsama ng puwersa nina Derrick Rose na umiskor ng 25 points mula sa bench at si Reggie Bullock na nag-ambag ng 24.
Kabilang din sa score ni Bullock ang limang mga 3-pointers laban sa kanyang dating team.
Tinapatan ng Knicks (38-30) sa kanilang init sa threee points area ang Clippers na siyang NBA’s best sa 3-point shooting.
Maging si RJ Barrett ay hindi rin nagpahuli na nagpakawala ng apat na 3-pointers para sa kabuuang 18 points.
Sa kampo ng Clippers si Kawhi Leonard ang nanguna na may 29 points, Paul George na nagtapos sa 18 at si Nicolas Batum ay nagbigay ng 13.
Una nang nasungkit ng Clippers (45-23) ang playoff spot sa Western Conference.
Pero ang kanilang talo nitong araw ay nagpatigil naman sa kanilang two-game winning streak.