Nanatiling kanselado ang klase sa University of Virginia matapos ang naganap na pamamaril na ikinasawi ng tatlong football players.
Nagsagawa ng vigil ang mga mag-aaral at ilang residente sa Charlottesville campus kung saan nagtirik ang mga ito ng kandila sa Statue of Homer.
May nakasulat na karatula na “UVA Strong” at “1-15-41” ang jersey number ng football players na nasawi na sina VA football players Devin Chandler, Lavel Davis Jr. at D’Sean Perry.
Bukod sa mga nasawi ay may dalawang sugatan na ang isa ay kritikal habang ang isa ay nagpapagaling.
Magugunitang ang mga biktima ay kakabalik lamang sa unibersidad matapos ang field trip ng bigla silang pinagbabaril ng suspek na si Christopher Darnell Jones Jr na isang dating football player.
Ilang oras bago naaresto ang suspek sa Henrico County matapos na ito ay tumakas.
Sinampahan na ito ng kasong second-degree murder at three counts of using handgun at felony.