-- Advertisements --

DAVAO CITY – Magpapatupad ngayong araw ng pagsuspende sa kanilang klase ang probinsiya ng Davao de Oro dahil sa nararanasan na mga pag-ulan ang pagbaha sa lugar.

Una ng nagpalabas ng kautusan si Gobernador, Jayvee Tyron Uy na isuspende muna ang klase sa lahat ng lebel ng mga pribado at pampublikong paaralan lalo na at aasahan pa rin ang mga pag-ulan dulot ng Low Pressure Area (LPA).

Pina-activate na rin ngayon ang mga personahe ng Municipal at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office para agad makaresponde lalo na kung may ipapatupad na paglikas sa mga residente.

Nakaantabay rin ngayon ang mga personahe ng Rapid Assessment Teams sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa Nabunturan Davao de Oro sa mga flood prone at land slide prone areas sa lungsod at nagsagawa rin ng occular inspection sa ilang mga lugar matapos na umabot sa Red Heavy Rainfall Warning ang lugar kagabie.

Ilang kalsada rin sa Nabunturan ang hindi passable sa lahat ng mga sasakyan lalo na sa Brgy. Bukal dahil sa pagbaha at nagsagawa rin ng clearing operation sa Nabunturan-Maragusan road partikular na sa Sitio Salaysayon Cambagang Maragusan matapos ang nangyaring landslide kung saan natabunan ng lupa ang kalsada sa lugar.